Friday, January 2, 2009

Bakit kaya nila ko pinagtatawanan :(

Nung akoy maliit pa lamang, nais kong maging piloto

magpalipad ng eroplanong pandigma, sa ilalim ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas.

Mga F-5, OV-10 "Bronco" o di kaya ay ang s-211

Naalala ko pa nun, kinukupit ko pa ang mga military magazines

ng tiyuhin ko sa kanyang kwarto para lang makapagbasa at

makita ang mga bagong modelo ng eroplanong pandigma.

Ngayong akoy nagkaisip na, iba na ang aking nakahiligan.

Mga iniisip, nagiisip at parang mukhang may iniisip pero wala naman.

Bago magtapos ng kolehiyo, aking napagtanto at parang nawang "divine revelation"

na dumating sakin, iba na pala ang gusto ko sa aking paglaki.

At dun nagsimula ang aking pagtataka. BAKIT KAYA NILA KO PINAGTATAWANAN??

Di ko magets? Ano kayang masama dun sa gusto kong maging?

Hanggang sa aking kasalukuyang trabaho, kapag nakukwento ko yun

hindi sagot o sumbat ang tinatanggap ko, kundi TAWA! nagtatawanan sila!?

Badtrip talaga.......

Anong bang masama kung gusto kong maging OBSTETRICIAN GYNECOLOGIST o OB. Bow!

Oh.. tatawa ka pa jan..