Tuesday, December 16, 2008

reasons why i hate christmas

hi! im back... haven't posted in my blog for a long time. But here i am again, posting my latest rants and reklamo sa buhay buhay.

Christmas is just few days away and oh! the weather is really chilly, especially at nights. Well, at least the weather changed but not the attitude and excuses of our fellow Filipino's.


1.) Taxi drivers are getting choosy - i woke up late one time and was in a rush to go to office to avoid getting EAF points in my CCMS. So i've decided to take a cab going to work. I've waited for almost 15 minutes to get a cab that i thought will save my ass in getting those points but i was wrong.

Driver: san ka iho?
Manong Fredo: manong sa tektite po tayo, sa ortigas
Driver: (with the sudden change of facial expression) Naku! traffic sa EDSA ngayon eh. Di gumagalaw eh.
Manong Fredo: AY! ganun ba!? cge manong salamat po. (but what it really means is: Tang na mo manong, wala ka namang ibang dadaanan kundi EDSA lang eh. ma-flatan ka sana ng gulong)

2.) Shoppers with bulky plastic bag and super laking BOXES! riding the MRT - yes! because there bonuses were released early; our fellow filipinos are in SHOPPING SPREE Mode. Bili dito! Bili doon! here's my f*cking irritating REKLAMO! Why in gods creation are you going to ride a full-packed MRT with bulky plastic bags and large boxes, and you'll make reklamo to be careful na baka may mabasag na something. F*CK ! ! ! talaga. Here's an old lady ( looks like cruella devil) with super laking plastic bag and holding a box, shes trying to make siksik with the other passengers so just she can ride the train.

Manong Fredo: Mam, di na po kasya. Siksik na po hanggang loob.
Manang Bola: (with an irritating voice) Ang lowag lowag pa sa loob oh! bakit ba ayaw nyo pomasok!!!!!?
Manong Fredo: wala na po talaga eh, mag taxi na lang po kayo mam. kasi mejo madami yang dala nyo.
Manang Bola: Trapek eh! saka ang haba ng pela! (while making pilit na pumasok sa train)
**people are starting to get irritated because she's the only one who's holding down
the train to leave** until the guards told her to wait for the next train. BLEH! !

3.) TRAFFIC! NEVER ENDING TRAFFIC! with added attraction from MMDA traffic team - Traffic is inevitable during the holiday season. People rushing in from different malls in the metro. And it sucks! it really really sucks! whats worse are the added attraction from the MMDA, they're making huli of the buses and taxis just to make KOTONG since its xmas. making traffic more irritable. Ang saya noh.


merry christmas to you all.

Friday, December 5, 2008

Ang mga matitinong project ng MMDA at DPWH

Nakakapagtaka lang, bakit kaya kung kelan malapit na ang pasko at bagong taon

eh saka naman ang pagsira ng DPWH sa mga kalye ng kamaynilaan ( ay sorry, pag ayos pala )

Tulad kanina, habang papunta ng opisina. Ako'y nalate dahil sa trapik sa kahabaan ng EDSA

May "inaayos" daw kasi ang DPWH na kapirasong kalsada malapit sa Buendia.

Ang nakakapagtaka dun, wala namang sira yung parte ng kalsada na yun

I mean, araw araw akong dumadaan sa EDSA and, sa tingin ko eh! wala namang dapat ayusin sa kalsadang yun

Ang cute di ba!

SAbi nga nung driver ng taxi na nasakyan ko

"Pakitang tao lang yan, para naman malaman ng tao na may ginagawa yung DPWH. Di nila alam mas nakakaabala sila sa tao".

Isang pang cute na proyekto na nakita ko ay yung paglagay ng loading and unloading station sa gitna ng Guadalupe Bridge.

Isang napaka cute at magandang project ng MMDA ( di na ba sila nakuntento sa Pink at Blue na Urinals at walkways )

May island kasi sa gitna ng EDSA na nasa Guadalupe bridge, and plano ng MMDA na gawing loading and unloading station yun

just imagine, may loading and unloading station sa gitna na EDSA.

PATAY tayo jan! di ba naisip ng MMDA ang idudulot nilang panganib at trapik sa mga tao.

SAbi nga ni GMA:

“Malaking pakinabang ang naidulot sa ka-Maynilaan ng araw-araw na pagko-commute (ng mga galing sa Central at Southern Luzon papasok sa kanilang mga opisina).

Nababawasan ang kanilang (gastusin o) amenities na kailangan nilang ihandog kung dumadayo lamang,” the President said.

“Pinasisigla din nitong mga commuters ang negosyo ng transportasyon at serbisyo sa Metro Manila at kanilang mga probinsya,” -balita-dot-ph-


DPWH is highly perceived as one of the two most corrupt agencies in the country.
Among the most prominent cases which many department executives got involved into was the repair scam. - wikipedia -


(sabi ko nga! tatahimik na lang si manong fredo)