Friday, December 5, 2008

Ang mga matitinong project ng MMDA at DPWH

Nakakapagtaka lang, bakit kaya kung kelan malapit na ang pasko at bagong taon

eh saka naman ang pagsira ng DPWH sa mga kalye ng kamaynilaan ( ay sorry, pag ayos pala )

Tulad kanina, habang papunta ng opisina. Ako'y nalate dahil sa trapik sa kahabaan ng EDSA

May "inaayos" daw kasi ang DPWH na kapirasong kalsada malapit sa Buendia.

Ang nakakapagtaka dun, wala namang sira yung parte ng kalsada na yun

I mean, araw araw akong dumadaan sa EDSA and, sa tingin ko eh! wala namang dapat ayusin sa kalsadang yun

Ang cute di ba!

SAbi nga nung driver ng taxi na nasakyan ko

"Pakitang tao lang yan, para naman malaman ng tao na may ginagawa yung DPWH. Di nila alam mas nakakaabala sila sa tao".

Isang pang cute na proyekto na nakita ko ay yung paglagay ng loading and unloading station sa gitna ng Guadalupe Bridge.

Isang napaka cute at magandang project ng MMDA ( di na ba sila nakuntento sa Pink at Blue na Urinals at walkways )

May island kasi sa gitna ng EDSA na nasa Guadalupe bridge, and plano ng MMDA na gawing loading and unloading station yun

just imagine, may loading and unloading station sa gitna na EDSA.

PATAY tayo jan! di ba naisip ng MMDA ang idudulot nilang panganib at trapik sa mga tao.

SAbi nga ni GMA:

“Malaking pakinabang ang naidulot sa ka-Maynilaan ng araw-araw na pagko-commute (ng mga galing sa Central at Southern Luzon papasok sa kanilang mga opisina).

Nababawasan ang kanilang (gastusin o) amenities na kailangan nilang ihandog kung dumadayo lamang,” the President said.

“Pinasisigla din nitong mga commuters ang negosyo ng transportasyon at serbisyo sa Metro Manila at kanilang mga probinsya,” -balita-dot-ph-


DPWH is highly perceived as one of the two most corrupt agencies in the country.
Among the most prominent cases which many department executives got involved into was the repair scam. - wikipedia -


(sabi ko nga! tatahimik na lang si manong fredo)

No comments: