Friday, November 28, 2008

Sana maging bata ako ulit


Minsan ba naisip nyo at pinangarap na sana maging bata kayo ulit?

Walang pinoproblema, Walang inaalala, Walang iniisip kundi ang maglaro at magsaya sa kalsada

Pag gising palang sa umaga, may nakahanda ng pagkain. Papaliguan, Bibihisan, Ihahatid, Magaaral

Tapos susunduin, bibihisan, papakainin ng tanghalian, tapos ETO na ang FUN PART! ! !

Maglaro ng habulan, patintero, langit-lupa, tumbang-preso hanggang maghapon.

Pag uwi sa bahay lilinisan, papakainin ng hapunan, tuturuan pagkatapos matutulog na. SARAP noh!

Walang pinoproblema, walang iniisip, walang inaalala

Ngayon!? Problema sa pera, gf/bf, intrega sa magulang, ipon, pambayad ng upa, pamasahe, ugali ng magulang mo, problema sa opisina, mga kasama mo sa opisina etc.... di na matapos ang problema

Minsan naiisip mo na lang, na sana maging bata ako ulit. Para walang isipin na mga problema.


Para may magalaga sayo ulit, magpakain, umalalay, at umintindi.

Hay..... ang buhay nga naman. Pero alam nyo kung anong nakakatuwa sa mga bata ngayon.

GUSTO NILANG LUMAKI AT TUMANDA AGAD TULAD NG MGA ATE AT KUYA NILA

funny noh!? pero totoo. . . para daw makalabas sila ng bahay tuwing gabi o makainom ng beer o makapag yosi.







SANA MAGING BATA AKO ULIT.

No comments: